Home / News / Kris, inabangan ang ‘The General’s Daughter’

Kris, inabangan ang ‘The General’s Daughter’

NAKAKATUWA si Kris Aquino dahil super excited siyang panoorin ang pilot episode ng The General’s Daughter na talagang inabangan niya.

Narinig namin ang masayang boses niya nang i-post niya sa IG na pinapanood niya si Angel Locsin.

Kaya naman naaliw sa kanya ang followers ng Queen of Social Media at Online World ay at karamihan sa kanila ay iisa ang komento.

Tulad ni @ehyien123122: “Wow nakakatuwa naman po kayo ‘yung dating boses na Kris Aquino sa GAME K N BA at sa DEAL OR NO DEAL nakaka-good vibes, nakaka-happy lang po. God is good all the time.”

Siangot ito ni Kris ng, “@ehyien123122 didn’t realize.”

Sabi rin ni @pioledna: “So happy to hear your voice Ms. Kris. Praying for your complete healing. Filipino community here in Toronto Canada. Most of us are your avid fans.

Singit naman ni @ericklocsin3g: “Super na miss ko ‘yung ganyang energy sa Abs-Cbn @krisaquino. Dapat nagpapahinga ka but there you go showing your support and love sa friend mong si @therealangellocsin. Iba ka rin magmahal sa mga kaibigan.”

As of this writing ay umabot na sa 463K views ang video at 1,519 na ang mga komento na pawang positibo. Marami rin ang nag-uudyok sa kanyang bumalik sa TV hosting.

Samantala, isa lang si Kris sa maraming nag-abang sa pilot episode ng The General’s Daughter bilang suporta sa paborito niyang si Angel at sa rating business manager na si Deo T. Endrinal bilang head ng Dreamscape Entertainment na producer ng nasabing teleserye.

Caption ni Kris sa post niya: “100% support for @therealangellocsin. (P.S. Awesome, West Philippine Sea) oh my, Ate Mary is in the pilot! Thanks @bincailuntayao for shooting.”

At talagang tinapos ni Kris ang serye dahil nagawa niya itong rebyuhin.

“#lovelovelove overload. ***EDIT: my review 1st, OBVIOUS SUPER GINASTUSAN. Mahal na pilot.

“2nd, HINDI FORMULA, diretso agad, walang flashback sa batang Angel.

“3rd, Ate Mary brings out the authentic vulnerability in co-actors when sharing scenes with those she likes & respects (ako po si Snow White n’ya).

“4th, sobrang EFFECTIVE ni Gel sa action scenes – EFFORTLESS because her tough girl athleticism is in born.

“5th, I know mababaw, but ‘yung dimples ni Arjo. That’s why Ate Sylvia is so blessed.

“6th, napakahusay ng @dreamscapeph location manager, FRESH lahat sa paningin.

“And 7th, @montie08 maniningil ako for this concept: MMFF 2019 perfect combination @therealangellocsin and @cocomartin_ph in an action movie with cross over appeal, like the OCEAN’s movies or Mission Impossible. Good Night.”

Sabi pa sa isa pang post ng Media Queen: “@therealangellocsin ‘di ba nag deal tayo – inawat kita dahil may gusto kang patulan? I said BALATO mo gagawin ko lahat to support you, basta BEHAVE? And care bears dapat? Lahat dito ikaw ang pinanunuod because WE LOVE YOU. For LIFE, remember?”

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *