Home / News / Janine at Rayver, ayaw ng may label

Janine at Rayver, ayaw ng may label

AYAW bigyan ng label ang status ng relasyong namamagitan kina Janine Gutierrez at rumored boyfriend nitong si Rayver Cruz kahit na magkasama silang nagbakasyon sa America recently. O siya, kung dito siya maligaya, so be it.

“Masaya ako at ito ang mahalaga. Everyday should be a day for loving. Kahit na Valentines Day, day-to-day loving ang dapat.”

May pre-Valentine movie si Janine at hindi big deal na may kissing scene siya with Enchong Dee na best friend ni Rayver. As they always say, trabaho lang at walang personalan.

Aprub sa marami kung sila na nga ni Rayver, na walang natanggap na isyu ng pananakit sa kababaihan ‘di tulad ng ex-boyfriend ni Janine.

Kasama sa cast ng pelikula ang lola niyang si Pilita Corales pero wala silang eskenang magkasama. Ang naka-eksena niya ay si Jackielou Blancao, sister ng kanyang ama.


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *