Home / News / Fil-Canadian, nagningning sa Miss Multinational pageant

Fil-Canadian, nagningning sa Miss Multinational pageant

PANIBAGONG karangalan ang iniuwi ng Filipino-Canadian beauty queen na si Kimi Mugford makaraan makapasok sa top 5 at makatanggap ng special awards sa Miss Multinational beauty pageant sa India nitong Lunes ng gabi.

Nakuha ni Kimi , 18, ang Miss Multinational Asia, Best in Talent at Best in Sports sa patimpalak.

Kinoronahan namang Miss Multinational 2018 si Miss USA Daniela Nieto, na isinalin sa kanya ni Sophia Senoron ng Pilipinas, ang 2017 winner.

Si Daniela rin, 23, ang kinilalang Miss Multinational ng America, Top Model at Best in Ramp Walk.

First runner-up naman si Miss Algeria Nihed Markria; at 2nd runner up si Miss Mexico Tania Mauricio, habang pasok din sa top 5 si Miss Venezuela.

Si Kimi, na isang singer at ice hockey enthusiast ang pinakabata sa kasalukuyang batch ng winners ng Miss World Philippines.

Makaraan ang kumpetisyon, ibinahagi ng beauty queen na babalik siya sa pag-aaral at binabalak niyang ipagpatuloy ang kanyang singing career.

“I’ve always been someone who prioritizes my education. Right now, I am in school. On top of my singing career, pageant career, and school, I’ve always tried to find a balance. So after this competition, it will be school and my singing career,” ani Kimi.


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *