Home / News / Cover ni JM ng ‘214’ sa teaser ng ‘Alone/Together’, nakaka-goosebumps

Cover ni JM ng ‘214’ sa teaser ng ‘Alone/Together’, nakaka-goosebumps

MAINIT ang pagtanggap ng publiko sa Alone/Together, bagong pelikula nina Liza Soberano at Enrique Gil sa direksiyon ni Antoinette Jadaone produced ng Black Sheep.Subsidiary ng Star Cinema ang Black Sheep, sa ilalim nito nagagawa ang mas daring at experimental na mga pelikula kumpara sa mas “tamed” na pinoprodyus mismo ng mother unit.

Sa loob ng 24 hours mula nang i-upload, 5.4 milyon na agad ang nakapanood sa teaser ng Alone/Together.

Nakakaaliw na sa isang minuto’t kalahating pasilip sa pelikula, pinag-uusapan na ang posibleng istorya at iba’t ibang direksiyon na maaaring takbuhin ng kuwento at ending.Pati pagtulo ng luha ni Liza sa huling bahagi, pinagdidiskusyunan ng netizens.

Ang pinakamaganda sa lahat, ibinabalik ng pelikula ang idealismo ng kabataan na tila napalitan na ng apathy sa kasalukuyang henerasyon.“Gusto ko lang baguhin ko ang mundo,” sabi ni Liza sa isa sa iilang linyang ipinarinig sa teaser.“Sigurado ka ba d’yan?” tanong ni Enrique. “Gusto mong baguhin ang mundo?”“Sigurado!” sagot ni Liza. “Gusto mo isama pa kita!”

Kahanga-hanga si Direk Tonet na na-capture niya ang lumipas na panahong hawak pa ng kabataan ang matatayog na pangarap sa mundo.Well, iba na ang panahon. Pinasok na tayo ng fake news na gumulo sa mga dating pinaniniwalaan ng karamihan.

Ang lalong kahanga-hanga ay ang paggamit sa 214 ng Rivermaya na naging anthem ng tumalikod na henerasyon.

Pumupunit ng puso at nakakapanindig-balahibo ang pasok ng 214 sa napakalinaw na timbre ng boses ni JM de Guzman.Sa lahat ng likhang-sining, klasikal man o pop, epektibong panukat ang goosebumps kung makakakonek ba ito sa audience o hindi.

Malakas ang sipa sa dibdib ng bagong LizQuen movie na ito.


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *