Home / News / Carlo, tahimik sa ‘dating’ issue with Trina Candaza

Carlo, tahimik sa ‘dating’ issue with Trina Candaza

NAGPASALAMAT si Trina Candaza, ang model na nali-link kay Carlo Aquino, sa mga taong sumusuporta sa kanya sa kabila ng mga pambabatikos na natatanggap mula sa fans nina Carlo at Angelica Panganiban dahil sa pakikipag-date niya sa aktor.

“I just really felt the love of the people around me, thank you, I really appreciate everything. It just makes me feel better everyday knowing that I’m being surrounded with good people too.”

Una rito, ipinagtanggol si Trina ng kanyang mga kaibigan sa pamba-bash ng fans nina Carlo at Angelica. Nabasa namin ang pakiusap ng isa niyang kaibigan na “Stop bashing her!!! DI PA BA KAYO SANAY SA MGA PAANDAR SA SHOWBIZ? Do you really think Cargel is a real couple? Delusional fans!! And di retokada si Trina ganyan na talaga itsura niya dati pa.”

Patuloy pa ng kaibigan ni Trina, “Matagal na silang dating. I think it’s pretty obvious, trabaho lang talaga ang CarGel. Truth hurts. Ganyan ang showbiz. Mga pauto kasi hahaha.”

Hinihintay pa ng fans ang reaction ni Carlo sa isyung ito dahil si Angelica lang ang nagsasalita at nagko-comment.

Sa nabasa namin, may show sina Carlo at Angelica sa February 2 sa Music Museum at kahit may kaguluhan sa pagitan ng dalawa, tuloy ang show at tuloy ang pagbebenta ng ticket.


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *