Home / News / Bagong role ni Gabby, ‘yummy’ din kaya?

Bagong role ni Gabby, ‘yummy’ din kaya?

FIRST project nina Gabby Concepcion at Jennylyn Mercado sa GMA Network ang romantic comedy series na Luv U Too at ngayon pa lang ay mukhang exciting na ang pagtatambal nila.

Ang unang serye ni Gabby nang lumipat siya sa GMA ay ang romantic-comedy series na Because of You with Carla Abellana at Rafael Rosell, na tumagal ng one year. Sa serye nakuha ni Gabby ang nickname nitong “Boss Yummy” dahil yummy looking pa rin siya kahit mahigit 50 taong gulang na siya.

Kasunod niyang serye ang family drama na Ika-6 Na Utos with Sunshine Dizon at Ryza Cenon, na tumagal din ng mahigit isang taon at noon ay hindi sila natinag sa pagiging number one afternoon prime.

Si Jennylyn Mercado naman, most ng kanyang serye ay family drama at ang last soap niya ay The Cure, kaya happy si Jen na sa pagbabalik niya sa primetime ay romantic-comedy naman ang gagawin niya at katambal nga si Gabby.

Tapos na ang story conference at plug shoot ng serye na magsisimula nang mag-taping next week.


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *