Home / News / Arjo umaming ‘exclusively dating’ kay Maine

Arjo umaming ‘exclusively dating’ kay Maine

Buong ningning na inamin ni Arjo Atayde sa presscon ng pelikula niyang ‘TOL na exclusively dating sila ni Maine Mendoza. Masaya raw ang puso niya ngayon.

Pero todo tanggi si Arjo nu’ ng mag-guest siya sa ‘Gandang Gabi Vice’ na dyowa na niya si Maine. Nag-ground nga siya sa lie detector dahil sa pagsisinungaling niya.

Dahil dito todo tanggol din si Maine sa mga basher ni Arjo.
May paratang ang mga basher na ang pagdikit umano ni Arjo sa aktres ang naging dahilan ng nagdadagsaang project nila ng kapatid na si Ria Atayde. Bagay na madiin na itinanggi ni Maine.

Hindi na nakapagpigil ang aktres at nanawagan sa kaniyang mga fan.

Aniya sa Twitter, “I know everyone’s trying to prove a point here but whatever your reasons are, it is never right to hate on people – whoever they may be. Hate is such a strong feeling & I hope we don’t let it get the best of us. Masyado yang mabigat sa puso, ‘wag sana tayo magpalamon. Goodnight.”.

Humihingi din siya ng respeto para sa Atayde Family.

Paliwanag niya,” I’ll appreciate if you’ll show some respect not just to our family but to theirs as well. Just stop this nonsense and let us all do better instead. They get projects because of their talent, not because of any other reasons. Once and for all let’s give credit to whom its due.”

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *