Home / News / Angelica Hale, unang 2-time golden buzzer ng ‘AGT’

Angelica Hale, unang 2-time golden buzzer ng ‘AGT’

SA edad na 11-anyos, gumawa ng kasaysayan ang Filipino-American na si Angelica Hale bilang ang unang contestant ng America’s Got Talent na nakakuha na dalawang golden buzzer.
Nitong Lunes, muling pinahanga ng batang singer mula Atlanta, Georgia ang mga manonood at mga hurado sa kanyang pagbabalik sa entablado para sa AGT: The Champions, nang awitin niya ang 2014 Fight Song ni Rachel Platten.

“I mean Angelica you are like the little boss lady that you are you came here to win and I can see that I can feel that,” papuri ng huradong si Heidi Klum.

Bukod sa standing ovation, binigyan si Angelica ng golden buzzer judge Howie Mandel na nagbigay-daan sa kanyang titulo bilang ang unang two-time golden buzzer ng AGT.

“When people show up on this show the level of competition is that much higher just by the title you are amongst champions, you show up and you rip off the ceiling off this theatre you really do and you know what that was your fight song and if I can do anything I’m gonna help you win this,” komento ni Howie kay Angelica bago pindutin ang Golden Buzzer.

Inilarawan naman ng AGT Season 12 runner up ang nangyari na kanyang “dream come true.”

“When I found out that I was actually the first person to get two Golden Buzzers, I was just shocked! Oh my gosh! It really is so surreal,” pagbabahagi ni Angelica sa PEOPLE.

Noong 2017 sa Judge cuts ng Season 12 ng AGT, inawit ni Angelica ang Girl on Fire ni Alicia Keys, kung saan niya nasungkit ang unang golden buzzer na iginawad ni judge Chris Hardwick.


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *